^

Bansa

Malacañang kontra sa pagpapaliban ng 2022 polls

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang kontra sa pagpapaliban ng 2022 polls
Ibinasura rin ng Commission on Elections ang panukala na suspindihin ang darating na halalan sa 2022.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ng Malacañang ang inilutang ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na pagpapaliban ng national elections sa 2022 dahil sa katwiran na takot umanong lumabas ang mga tao dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdaraos ng eleksiyon ay isang serbisyo publiko na dapat tiyakin ng gobyerno.

Aminado rin si Roque na hindi naaayon sa Kons­titusyon ang inilutang na ipagpaliban ang eleksiyon sa 2022.

Ipinunto ni Roque na maliwanag ang nakasaad sa 1987 Constitution tungkol sa araw kung kailan dapat idaos ang halalan.

Hindi rin umano dapat ginagamit ang kasalukuyang health crisis para kanselahin ang eleksiyon na tiyak rin na hindi tatanggapin ng publiko.

Mahaba pa aniya ang panahon na aabot ng dalawang taon para paghandaan ang halalan at maaari ring tularan ang ibang bansa na magdaraos ng eleksiyon kahit may pandemic katulad ng Amerika. 

Ibinasura rin ng Commission on Elections ang panukala na suspindihin ang darating na halalan sa 2022.

Sinabi ng Comelec spokesman James Jimenez na wala silang nakikitang matibay na dahilan para suspindihin ang eleksyon at talikuran ang kanilang mandato para sa pagsasagawa ng halalan.

Ito rin ang opinyon ni dating Comelec commissioner Atty. Gregorio Larrazabal sa panawagan ni Rep. Arroyo. 

“Walang basehan ‘yan, kasi in fact ‘yung ibang bansa nag-eleksyon na. ‘Yung South Korea had elections early this year, Germany is going to have elections, US is going to have elections. Kung kaya ng ibang bansa, bakit ‘di natin kaya?” ayon kay Larrazabal.

Kasalukuyang humihingi ang Comelec sa Kongreso ng P30 bilyon para sa paghahanda sa darating na halalan at upang mas epektibong maprotektahan ang mga botante laban sa virus. 

Kabilang sa maaaring ipatupad ng Comelec ang paglalaan ng tatlong araw na halalan para mahati-hati ang mga botante at hindi magsiksikan sa mga presinto. Danilo Garcia

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with