700 House bills isinulong ni Rep. Romero sa loob ng 4-taon
MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng 4 na taon ay nagsulong ng mahigit 700 panukalang batas si House Deputy Speaker at 1 PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero mula nang manungkulan ito bilang mambabatas.
Sa tala ng Bills and Index ng Kamara, aabot sa 702 ang panukalang batas na inihain ni Romero kung saan 47 dito ay ganap ng batas.
Kabilang dito ay ang pagpapalawig ng driver’s license ng limang taon, Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at ang mandatory PhilHealth coverage para sa lahat ng mga indibidwal na may kapansanan.
- Latest