^

Bansa

Bayarin sa utility bills pinalawig sa Bayanihan 2

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng 30 araw na palugit ang mga may bayarin sa utility bills matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘Bayanihan to Recover as One Act’ o Bayanihan 2.

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, magkakaroon ng moratorium sa pagbabayad ng kuryente at tubig ang mga nakatira sa lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ.

Sa ngayon, ang Iligan City, Bacolod City at Lanao del Sur ang mga probinsiyang idineklarang naka-MECQ hanggang katapusan ng Setyembre.

Hindi na rin muna pababayaran ang interes sa bill, penalties, at iba pang dagdag singilin o charges sa loob ng 3 araw habang naka-ECQ o MECQ ang isang lugar.

Pagkatapos ng 30-day grace period ay pinapahintulutan din ng Bayanihan 2 ang residential users, micro, small and medium enterprises o MSMEs, at mga kooperatiba, na magbayad ng pautay-utay sa loob ng tatlong buwan.

Magiging epektibo ang Bayanihan 2 hanggang Disyembre 19 o bago mag-Christmas break ang Kongreso.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with