^

Bansa

‘Fit to work’ certificate sa government officials giit ni Sotto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Fit to work� certificate sa government officials giit ni Sotto
Sa panukala, ipinaliwanag ni Senate President Vicente Sotto III na ang mga “public officials and employees” ay kinabibilangan ng inihalal at itinalagang mga opisyal at kawani, permanent o temporary, at maging ang militar at pulis.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Isinulong ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang magtatakda sa mga opisyal ng pamahalaan na magsumite ng kanilang medical certificate taun-taon para malaman kung kaya pa nilang gampanan ang kanilang trabaho.

Sa ilalim ng Senate Bill 1818, nakasaad na dapat magsumite ang mga opisyal ng pamahalaan ng medical certificate at laboratory test results bago o pagsapit ng Abril 30 ng bawat taon.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Sotto na mapapataas ang antas ng health consciousness sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Bukod doon, matitiyak din umano na nasa mahusay na pangangatawan at isipan ang mga nagsisilbi sa gobyerno na kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin.

Sa panukala, ipinaliwanag ni Sotto na ang mga “public officials and employees” ay kinabibilangan ng inihalal at itinalagang mga opisyal at kawani, permanent o temporary, at maging ang militar at pulis.

vuukle comment

VICENTE SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with