^

Bansa

Face shields sa mga empleyado mandatory na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face shields sa mga empleyado mandatory na!
Sinabi ni Health Un­dersecretary Maria Ro­sario Vergeire na na­ki­kipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para maglabas ng SRP (sugges­ted retail price).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula sa Sabado, Agosto 15 ay mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield ng mga empleyado sa kanilang mga pook-gawaan tulad ng mga opisina at pabrika bilang isang hakbang pa para mapigil ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ginagawa na nila ang ‘health protocols’ para sa workplaces na target ang mga empleyado habang nasa oras ng kanilang trabaho.

“’Yung precaution po na starting Aug. 15, ma-liban sa face mask, kailangan ng face shield,” sabi ni Bello.

Kailangang sagutin ng mga employers o may-ari ng mga kumpanya ang face shields na gagamitin ng kanilang mga tauhan. Papatawan ng parusa ang mga hindi susunod sa bagong protocol.

Una nang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) ng mandatory na pagsusuot ng face shield habang nasa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi dapat ta-taas sa P50 kada piraso ang presyo ng ordinar-yong face shield na nagkalat ngayon sa merkado.

Sinabi ni Health Un­dersecretary Maria Ro­sario Vergeire na na­ki­kipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para maglabas ng SRP (sugges­ted retail price).

Dahil sa plano ng pa­mahalaan na mandatory na paggamit ng face shield, biglang tumaas ang presyo nito mula sa P18 kada piraso sa P40 wholesale na presyo at P50 retail na presyo.

Una rito, inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa Agosto 15 sa mga pasahero at driver ng pampublikong transportasyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with