^

Bansa

MECQ epektibo, pagkalat ng COVID-19 bumagal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
MECQ epektibo, pagkalat ng COVID-19 bumagal
Sinabi ni UP-OCTA research team Professor Guido David na base sa kanilang pag-aaral ay bumabagal na ang ‘production number’ at may pag-asa na makamit ang tinatawag na ‘flatenning of the curve’.
KJ Rosales/File

MANILA, Philippines — Epektibo umano ang ipinatupad na 15-araw na ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’ ng pamahalaan dahil bumagal na ang transmisyon ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa mga eksperto ng University of the Philippines (UP).

Sinabi ni UP-OCTA research team Professor Guido David na base sa kanilang pag-aaral ay bumabagal na ang ‘production number’ at may pag-asa na makamit ang tinatawag na ‘flatenning of the curve’.

“Bumababa na ang tinatawag na reproduction number. Ibig sabihin, bumabagal na ang transmission. Dati nasa mga 1.5 sa NCR at Philippines, ngayon nasa 1.2. So malaki ang ibinaba niyan,” ayon kay Guido.

Hindi pa umano ito nararamdaman sa ngayon dahil may delay ang epek­to ng MECQ at makikita lamang ito sa susunod na dalawang linggo.

Sa parte naman ng Philippine College of Physician (PCP), hindi na umano kailangan pang palawigin ang MECQ sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan sa pagtatapos nito sa Agosto 18. 

Ikinatwiran ni PCP vice-president Dr. Maricar Limpin na naayos na nila ang ‘blueprint’ sa protocols kaugnay ng COVID-19 na kanilang ilalabas bago matapos ang MECQ. Kailangan lamang umanong sundin ang blueprint para matiyak na hindi na mu­ling tataas ang kaso sa bansa.

Sang-ayon din dito ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) at sinabing mala­king bagay na pinakikinggan na ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga eksperto kaya nakabuo na ng mas maayos na protocols sa pagharap sa pandemya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with