^

Bansa

100K riders na ang lumabag sa backride protocols

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 10,000 katao na ang naitalang lumabag sa motorcycle backride protocols, base sa datos na inilabas ni Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, pi­napayagan ng IATF ang motorcycle backrides para lamang sa mga mag-asawa o mga live-in partners.

Sinabi ng kalihim kung patuloy ang paglabag ng mga motorcycle riders sa panuntunan ng IATF bilang bahagi ng safety protocols, hirap silang payagan “later on” ang mga magkakapamilya na magka-angkas.

Binigyang-diin ni Año, hanggang July 31, 2020 na lamang ang palugit na kanilang ibinigay sa mga motorcycle riders para maglagay ng barrier shield sa kanilang motorsiklo.

Una rito, dalawang prototypes barrier shield ang inapbrubahan ng gobyerno, ang Bohol designed barrier shield at backpack-like design mula sa Angkas.

Sa kabila nang batikos sa paggamit ng barrier shield sa mga motorsiklo, naniniwala si Año na ligtas ang mga barrier design at dumaan ito sa testing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with