^

Bansa

SWS: Karamihan sumusunod sa COVID-19 safety measures kahit quarantine niluwagan

James Relativo - Philstar.com
SWS: Karamihan sumusunod sa COVID-19 safety measures kahit quarantine niluwagan
Nagbabantay ng isang checkpoint sa Navotas ang pulis na ito habang nakapila naman ang dalawang maskaradong residente, ika-16 ng Hulyo, matapos magpataw nang mahigpit na lockdown sa lungsod kaugnay ng COVID-19
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Lumalabas na karamihan sa mga Pilipino ang sumusunod sa mga preventive measures para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) — 'yan ay kahit kakaonti na lang ang nasa mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) at modifed ECQ, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang non-commissioned study mula ika-3 hanggang ika-6 ng Hulyo sa 1,555 Pilipino edad 18-anyos pataas sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa July mobile survey, lumalabas na 76% ang laging nagsusuot ng face mask, 65% ang laging naghuhugas ng kamay at 59% ang laging sumusunod sa social distancing — 'di malayo sa compliance noong Mayo. Cebu City na lang ang ECQ noong panahon ng survey.

Kakaonti lang ang ibinaba niyan mula sa mga resulta noong ika-4 hanggang ika-10 ng Mayo: laging naka-face mask sa labas ng bahay (77%); laging naghuhugas ng kamay (68%); laging nagfi-physical distancing (64%).

"The proportion of those who always use a face mask [in July) is now highest in Metro Manila at 90%, followed by the Visayas at 82%, Balance Luzon and Mindanao at 72% each," ayon sa SWS.

Salungat ang mga bilang na 'yan kung ihahambing sa retorika ng mga "pasaway," na siyang sinisisi ng Malacañang sa pagtaas diumano ng bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Tumaas naman ang bilang ng mga laging naghuhugas ng kamay sa Metro Manila kumpara noong Mayo, habang bumaba naman ito sa lahat ng lugar: 

  • Metro Manila (73%, dating 68%)
  • Balance Luzon (59%, dating 63%)
  • Visayas (69%, dating 73%)
  • Mindanao (67%, dating 74%)

Natuklasan rin ng pag-aaral na tumataas ang compliance ng safety practices depende sa lebel ng edukasyon na nakamit ng isang mamamayang Pilipino.

"The proportion of those who always use a face mask is highest among college graduates at 82%, followed by junior high school graduates at 77%, elementary graduates at 73%, and non-elementary graduates at 68%," sabi pa ng SWS.

"Those who always wash their hands are highest among college graduates at 67%, followed by junior high school graduates at 65%, elementary graduates at 62%, and non-elementary graduates at 60%."

Ganyan din naman para sa mga palaging nagpapanatili ng social distancing: college graduates (71%); junior high school graduates (59%); elementary graduates (52%); non-elementary graduates (48%).


 

Sa huling datos ng Department of Health noong Huwebes, umabot na sa 74,390 ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,871 na ang namamatay kaugnay ng virus.

Una nang sinabi ng kagawaran na target nilang ma-test para sa nakamamatay na sakit ang 10 milyong Pilipino hanggang sa 2021. Iniuugnay din ng gobyerno ang pagtaas ng bilang ng mga kaso sa pag-akyat ng testing capacity ng mga healthcare system ng bansa.

Ilang araw pa lang nakalilipas nang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang lahat ng hindi nagsusuot ng face mask sa publiko.

"I have no qualms in arresting people who are not wearing [face] mask. It seems to be trivial, but during a time of pandemic, it can be a serious crime. You are transmitting virus, you are a carrier," sabi ni Digong, kahit na mga Pilipino ang pinakamasunurin sa pagsusuot ng maskara sa buong mundo, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa abroad.

Plano rin ngayon ng gobyerno na magbahay-bahay upang dalhin ang lahat ng mga "asymptomatic" at "mild" cases upang sa mga pagamutan na magpagaling.

vuukle comment

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

PHYSICAL DISTANCING

SAFETY PROTOCOLS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with