^

Bansa

Batanes Signal no. 1 pa rin habang bagyong 'Carina' tinutumbok ang Taiwan

Philstar.com
Batanes Signal no. 1 pa rin habang bagyong 'Carina' tinutumbok ang Taiwan
Bandang 7:00 a.m. nang matagpuan ang mata ng bagyo 95 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Basco, Batanes. May dala itong hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo nang 55 kilometro kada oras.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Dahan-dahan nang lumalayo sa Pilipinas ang Tropical Depression Carina, Martes, ngunit nakaaapekto pa rin sa dulong hilagang bahagi ng bansa.

Bandang 7:00 a.m. nang matagpuan ang mata ng bagyo 95 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Basco, Batanes. May dala itong hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo nang 55 kilometro kada oras.

"Tropical Depression 'CARINA' is forecast to turn northward while heading towards the Bashi Channel and the southern portion of Taiwan," ayon sa weather bulletin na inilagay ng PAGASA.

"It is forecast to weaken into a Low Pressure Area today or tomorrow morning."

SEVERE WEATHER BULLETIN #10 FOR: TROPICAL DEPRESSION "#CarinaPH" TROPICAL CYCLONE: WARNING ISSUED AT 8:00 AM, 14 July...

Posted by Dost_pagasa on Monday, July 13, 2020

Sa kabila niyan, nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 ang probinsya ng Batanes, na magdadala nang 30-60 kilometro kada oras na hangin sa lugar.

Dahil diyan, maaaring mapinsala nang bahagya ang mga low risk at high risk structures sa probinsya, at masira nang husto ang mga pananim gaya ng palay lalo na kung namumulaklak na.

Binawi naman na ang nararanasang TCWS sa Babuyan Islands.

"Scattered light to moderate rains with at times heavy rain showers [may be experienced today] over Batanes, Babuyan Islands, and Ilocos Norte," dagdag pa ng weather bureau. — James Relativo

vuukle comment

CARINA

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with