^

Bansa

PECO kinastigo: ‘Wag lituhin ang mga Ilonggo

Pilipino Star Ngayon
PECO kinastigo: �Wag lituhin ang mga Ilonggo
Ayon kina Baronda at Treñas, may nakabinbin na petisyon sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang legalidad ng ginawang pagtakeover ng More Power and Electric Corp. (More Power) bilang Distribution Utility sa Iloilo.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines  — Mismong mga opisyal na ng Iloilo City sa pangunguna nina Mayor Geronimo Treñas at Iloilo Rep. Julienne Baronda ang kumastigo sa Panay Electric Company (PECO) sa umano’y panlilito sa mga consumers sa usapin ng Electricity Distribution System sa lalawigan.

Ayon kina Baronda at Treñas, may nakabinbin na petisyon sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang legalidad ng ginawang pagtakeover ng More Power and Electric Corp. (More Power) bilang Distribution Utility sa Iloilo.

Ito umano ang dapat na hintayin na lamang ng PECO sa halip na magbigay ng mga mali-maling impormasyon sa mga consumer na nagdudulot ng kalituhan at tensyon.

Noong Pebrero 2020 ay tinakeover na ng More Power ang pamamahala sa power supply sa lalawigan matapos hindi pag-renew ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO dahil sa isyu ng overbilling, palpak na serbisyo at sira-sirang pasilidad. Kasunod ng pagkansela ng prangkisa ay tinanggalan na rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng operational permit na Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) ang PECO habang kinilala ang More Power na siyang lehitimong Distribution Utility sa Iloilo City.

Ani Baronda, sa patuloy na negatibong publicity na ginagawa ng PECO ay malinaw na hindi pa rin nito tanggap ang pagkawala ng kanilang prangkisa at CPCN.

“ Those activities tend to sow confusion as to who is the real and legal distribution utility in Iloilo City. I advise PECO to await the final ruling of the Supreme Court. I pray that PECO will heed the appeal for sobriety and wait for the Supreme Court to decide on the issue,” paliwanag ni Baronda.

Aminado naman si Treñas na dismayado ito sa ipinalalabas ng PECO na sila pa rin ang distribution utility sa Iloilo kaya naman napilitan nang magpalabas ang kanyang tanggapan ng opisyal na statement na nagsasabing hindi na ang PECO kundi ang More Power ang dapat na makipagtransaksyon sa mga electric consumers bilang sila ang siyang kinikilala ng batas.

vuukle comment

MORE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with