^

Bansa

SC inulan ng petisyon vs Anti-Terror law

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang pagkontra sa implementasyon ng Anti-Terror Law makaraang dalawang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema nina Albay Rep. Edcel Lagman at ng grupo ng mga abogado ng Far Eastern University sa pangunguna ni Dean Mel Sta. Maria.

Hiniling din nina Lagman at Sta. Maria sa Supreme Court (SC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction laban sa batas dahil sa mga probisyon na salungat umano sa Konstitusyon.

Kabilang umano dito ang hindi malinaw na depinisyon ng terorismo sa batas, ang maximum 24-day na pagkakulong ng mga pinaghihinalaang mga terorista kahit walang warrant o kasong isinasampa, ang hanggang 90 araw na paniniktik at wiretapping at ang anim na buwang period ng imbestigasyon at pag-freeze sa mga ari-arian ng mga suspek.

“The threat of arrest without a judicial warrant and prolonged detention... would be more than chilling enough to stifle, suppress, if not totally snuff out, any fire, flame, or even flicker, of indignation or protest against government corruption, oppression, and abuse,” ayon sa pahayag nina Sta. Maria at FEU law professors.

Kinuwestiyon rin ni Lagman ang pagbibigay ng kapangyarihang pang-hudikatura sa Anti-Terrorism Council (ATC) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). 

Nilalabag umano nito ang doktrina ng pagkakahiwalay ng kapangyarihan ng ehekutibo at ng hudikatura.

Isa pang tinutulan ni Lagman ang pagtukoy sa isang tao o grupo na mga terorista at pagtukoy na isang gawaing kriminal ang anumang “threat, proposal at inciting” na maaaring pumigil sa taumbayan na maglabas ng kanilang mga opinyon at reklamo kaugnay ng malayang pagpapahayag.

Sinusugan ito nina Sta. Maria na nagsabi na ang depinisyon ng terorismo sa batas ay masyadong malawak at maaaring maisama dito ang lehitimo o naaayon sa batas na mga pagtitipon at demonstrasyon na ayon sa karapatan sa pagpapahayag. Joy Cantos

 

vuukle comment

ANTI-TERROR LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with