^

Bansa

Gobyerno uutang pa ng P436 bilyon vs COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno uutang pa ng P436 bilyon vs COVID-19
Sinabi ni Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II na ang P436 bilyong target sa foreign loan financing ay para sa buong taon.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Binabalak ng gobyerno na mangalap pa ng mahigit P436 bilyon o nasa $8.72 bilyong utang mula sa foreign sources para tugunan ang problemang dala ng COVID-19 at tustusan ang pagba­ngon ng ekonomiya. 

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II na ang P436 bilyong target sa foreign loan financing ay para sa buong taon.

Aminado si Lambino na lumaki ang utang ng Pilipinas ngayong taon dahil hindi naman nakasama sa pambansang budget ang mga ginagastos sa COVID-19.

Ipinunto rin ni Lambino na hindi lamang ang Pilipinas ang umuutang ngayon ng malaki.

“Medyo lumaki ang utang natin ngayong taon dahil nilalabanan natin itong COVID-19 hindi naman po natin na-budget itong laban na ito dahil nag-ulat naman ang buong mundo dito sa pandemiya ng COVID-19,” sabi ni Lambino.

Idinagdag ni Lambino na maganda ang stan­ding ng Pilipinas kaya nabibigyan ng mataas na credit rating. 

Samantala, inaasahan ng mga economic managers na bababa ang revenue collection ngayong taon.

Noong Hunyo 11 ay umaabot na sa $6.4 bilyon ang nautang ng gobyerno mula sa World Bank, AIIB at Asian Development Bank.

vuukle comment

COVID-19

EKONOMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with