^

Bansa

Power system sa Iloilo City, isang ‘ticking time bomb’ - MORE

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihalintulad ng distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE) sa isang bomba na anumang segundo ay maaaring sumabog ang estado ng power system sa Iloilo City na kanilang tinake-over noong Pebrero 28, 2020 mula sa Panay Electric Company (PECO) na may 96 taong nangasiwa sa power supply ng lalawigan.

Ayon kay More Po-wer President Roel Castro, nakakalungkot ang sitwas­yon ng distribu- tion system sa Iloilo City nang kanila itong abutan.

Pangunahin na ang kalagayan ng 5 substations na pinakama­halagang bahagi ng power distribution system, isa umano rito ay  90 percent ang loading capacity na sobra-sobra sa itinatakda na 70% habang ang Mandurriao substation ay kinakitaan ng mataas na antas ng methane, ethane, ethylene at acetylene na maaaring mag-overheat at sumabog habang ang iba pang substations ay mga bulok na ang pasilidad at may mataas na antas ng dissolved gas dala ng pagkasira ng mga oil at paper insulation.

Bukod sa problema sa mga substations, sa report ng Engineering Consultant na Meralco Industrial Engineering Services Corp. (Miescor) ay may 900 hotspot pa kabilang dito ang 144 transformers, powerlines at concrete poles ang kailangan na agad mapalitan.

Upang maiwasan ang panganib sa pagkasunog ng mga linya ng kur-yente at mas malawak na blackout ay agad na ipinatupad ng More Po-wer ang Comprehensive Preventive Maintenance sa mga substations na siyang dahilan kung bakit nakararanas ngayon ng power supply interruption.

Ipinaliwanag naman   ni Engr. Fil Sonza ng Technical Services Division na dati ding empleyado ng PECO, na kung noon ay nakararanas ng biglaang brownout dahil sa sirang distribution system, sa ngayon ang nararana-sang power interruption ay dahil sa isinasaayos na nila ang pasilidad.

Sinabi ni Castro na P300M ang inilaan ng More Power para sa ma-kabagong loop system.

vuukle comment

MORE

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with