3-month extension ng Bayanihan Act ok sa Palasyo
MANILA, Philippines — Pabor ang Malacañang na palawigin pa ng tatlong buwan ang Bayanihan to Heal as One Act na nagbigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, masasabing ideal ang tatlong buwan na maaari naman muling i-extend hanggang Disyembre kung kailangan.
Nauna rito, binanggit ni Roque ang biro ni Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat palawigin hanggang 2022 dahil hindi tiyak kung kailan magkakaroon ng vaccine laban sa COVID-19.
Pero binanggit din ni Roque na magiging “unreasonable” kung palalawigin ang special powers hanggang 2022.
Matatandaan na binigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Pangulo katulad ng awtoridad na i-realign ang mga item sa ilalim ng 2020 pambansang budget.
Sa ilalim ng Bayanihan Act, nagbibigay ang Pangulo ng lingguhang report sa Kongreso para detalyehin kung paano niya ginamit ang pampublikong pondo.
Binanggit din ni Roque na hangga’t walang vaccine ay hindi makakabalik sa normal na pamumuhay ang mga mamamayan.
“Extraordinary powers is something that is reserved for extraordinary circumstances. But the problem here with COVID is without the vaccine we’ll never go back to normal and it’s still extraordinary,” ani Roque.
- Latest