^

Bansa

Modified ECQ sa Metro Manila, Laguna at Cebu City

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Modified ECQ sa Metro Manila, Laguna at Cebu City
Ipinaliwanag ni Roque ang kaibahan ng ECQ at MECQ kung saan sa ECQ ay wala aniyang “movement” kahit pa ano ang edad o health status at halos walang economic activities maliban sa mga utility services katulad ng pagkain, kuryente at tubig. Wala ring pampublikong transportasyon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inilagay kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Modified Enhanced Community Qua­rantine ang Metro Manila, Laguna at Cebu City si­mula Mayo 16 hanggang Mayo 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng MECQ, naka-enhanced community quarantine pa rin ang mga nabanggit na lugar pero mayroon ng mga industriya na papayagang magbukas.

Ipinaliwanag ni Roque ang kaibahan ng ECQ at  MECQ kung saan sa ECQ ay wala aniyang “movement” kahit pa ano ang edad o health status at halos walang economic activities maliban sa mga utility services katulad ng pagkain, kuryente at tubig. Wala ring pampublikong transportasyon.

Sa MECQ, limitado ang movement ng tao para sa pagkuha ng essential services at pagtu­ngo sa trabaho. Magkakaroon na rin ng limitadong transportation services upang masakyan ng mga papasok sa trabaho.

Paglilinaw ni Roque na tanging 50% lamang ng workforce sa mga industriyang magbubukas ang papayagan, at isasapinal ngayong araw kung anu-anong industriya ang puwede ng buksan sa MECQ.

Nilinaw din ni Roque na sa MECQ magkakaroon pa rin ng ECQ sa mga barangay na malaki ang banta nang pagkalat ng COVID-19.

Ipapaubaya naman sa mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng MECQ kung alin ang mga barangay na ilalagay sa ECQ.

Isinailalim naman sa general community quarantine moderate risk ang Region II (Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City), Region III (Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Angeles City at Olongapo City), Region IV-A maliban sa Laguna (Cavite na titingnan ang datos sa Mayo 14, Batangas, Quezon, Rizal at Lucena City), CAR (Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt.Province at Baguio City), Region VII maliban sa Cebu, Region IX, Region XI at Region XIII (CARAGA).

Mananatili naman sa low-risk at hindi na sasailalim pa sa GCQ o ECQ ang Region I (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Dagupan City), Region IV-B (Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon at Puerto Princesa City), Region V, Region VI, Region VIII, Region X, Region XII at BARMM.

Related video:

vuukle comment

ECQ

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with