^

Bansa

Curfew isama na sa ‘new normal’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Curfew isama na sa �new normal�
Ginawa ni Eleazar ang mungkahi kasabay ng pahayag na bumaba ang bilang ng mga krimen sa panahon ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine bilang paraan sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Joint Task Force COVID-19 Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar kahapon na dapat idagdag ang curfew sa ilalim ng new normal kaugnay ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Ginawa ni Eleazar ang mungkahi kasabay ng pahayag na bumaba ang bilang ng mga krimen sa panahon ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine bilang paraan sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Eleazar na deputy chief for operations din ng Philippine National Police, bumaba nang 61% ang bilang ng mga krimen sa Luzon mula nang ipatupad dito ang ECQ.

“Maganda ang resulta ng pagpapatupad ng curfew. Maalis man itong mga community quarantine, tingin ko, napakagandang intervention na merong curfew sa gabi if you’re a non-worker,” sabi niya.

“Dati ‘yung issue about curfew before ECQ, parang ang hirap tanggapin ng ating mga kababayan. Dapat maging bahagi ito ng ‘new normal,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Eleazar na nagkakaroon ng krimen sa motibo at oportunidad. Sa pagpapatupad ng curfew, nababawasan anya ang oportunidad ng isang indibidwal na makagawa ng krimen.

Binanggit pa ni Eleazar na, sa police visibility sa ge­neral community quarantine (GCQ) areas, nababawasan ang oportunidad na gumawa ng krimen dahil dadamputin ng pulis ang hindi awtorisadong lumabas ng kanilang tahanan.

vuukle comment

CURFEW

NEW NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with