Sesyon ng Kongreso tuloy ngayon
MANILA, Philippines — Tuloy ngayon ang plenary session ng Senate at House of Representatives kasabay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, delikado o hindi ay kailangang pisikal na dumalo ang mga senador sa unang araw ng sesyon dahil mandato ito ng konstitusyon para magkaroon ng legislative calendar at sundin nila ito.
Tiniyak naman ni Sotto na ipaiiral ang safety measures kaya maghihigpit sila sa mga senador at mga empleyado na papasok sa Senado na bukod sa isasailalim sa thermal scanner ay may disinfectant din sa sapatos, elevator at iba pa.
Sa Kamara, 25 mambabatas lamang ang papayagang dumalo habang ang iba ay maaaring lumahok sa video conferencing.
Ipatutupad din ang mahigpit na physical distancing na dalawang metro bawat mambabatas at hindi maaari ang pakikipag-usap sa mga kapwa mambabatas, empleyado at observers.
Paiiralin pa rin ang “no-face-mask, no-entry policy,” at mga kumpirmadong may mga appointments lamang ang papapasukin.
- Latest