^

Bansa

1 pang doktor patay sa COVID

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang doktor ang pumanaw sanhi COVID-19 sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa Facebook Page ni Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga, hindi na nakayanan ang may ilang araw na pakikipaglaban sa virus ni Dr. Ronaldo Mateo, 47, isa sa pioneer doctor surgeon ng Pagamutan Ng Dasmarinas kung saan siya naging head ng Surgery Department.

Nagpositibo si Dr. Mateo sa nasabing sakit dahil na rin sa dami ng hinawakan nito at ginamot simula pa lang ng pagkalat ng COVID.

Isinailalim sa quarantine ang nasabing doktor subalit habang ginagamot ito ay binawian na ng buhay. 

Lubos naman ang pasasalamat ng lunsod ng Dasmarinas at pagkilala sa kabayanihan ni Mateo dahilan para ipangalan sa kanya ang Operating Room Complex ospital na ngayon ay tatawagin ng “Dr. Ronaldo Mateo Operating Room Complex”.

vuukle comment

COVID-19

DOKTOR

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with