AFP chief of staff Santos positibo sa COVID-19
MANILA, Philippines (Update 1, 3:17 p.m.) — Tinamaan na rin ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang pinuno ng Armed Forces of the Philippines, pagkukumpirma ng state media, Biyernes.
Ayon sa PTV, COVID-19 positive na si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr.
Samantala, inilagay naman na ni Department of National Denfese Secretary Delfin Lorenzana ang sarili sa self-quarantine.
"Magse-self-quarantine ako simula ngayong araw," sabi ni Lorenzana sa Inggles.
"Wala akong sintomas pero ayon sa protocol kailangan kong mag-self-quarantine ng 14 na araw."
Nag-self quarantine si Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos makasalamuha si AFP Chief of Staff Felimon Santos Jr. na positibo sa #COVID19. Nakasama ni Lorenzana si Santos sa dalawang okasyon noong March 21 at 22, isa rito ay sa Heroes Hall sa Malacañang. pic.twitter.com/nf4Kg7mfaJ
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) March 27, 2020
Sasailalim din sa quarantine si Department of Tourism Secretary Benadette Romulo-Puyat dahil sa kasaysayan ng pakikisalamuha kay Santos.
Puyat: “Given the recently unfortunate news that the AFP Chief of Staff has tested positive for COVID-19, I will be undergoing self-quarantine as I was exposed to him in a meeting last March 20.” @News5AKSYON @onenewsph
— JC Cosico (@JCCosico) March 27, 2020
"[M]ag-qua-quarantine ako dahil na-expose ako sa kanya sa isang meeting noong ika-20 ng Marso," ani Puyat.
Sasailalim din ang buong Presidentential Security Group, ayon kay PSG Commander Jesus Durante.
JUST IN | Sasailalim sa quarantine ang buong Presidential Security Group sa Malacanang, ayon kay PSG Commander Jesus Durante. Mananatili sila sa Palasyo hanggang sa April 10. | via Maricel Halili pic.twitter.com/sP3BSe1OE5
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) March 27, 2020
Mananatili sila hanggang sa ika-10 ng Abril sa Palasyo.
Umabot na sa 707 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health, kung saan 45 na sa kanila ang namamatay. — may mga ulat mula sa News5
- Latest