^

Bansa

'Travel restrictions' ipinataw sa Davao City, Batanes dahil sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'Travel restrictions' ipinataw sa Davao City, Batanes dahil sa COVID-19
Bagama't "walang lockdown," bawal muna ang pagpasok at paglabas ng Davao City, na pinamumunuan ni Mayor Sara Duterte Carpio.
File

MANILA, Philippines — Lilimitahan at pagbabawalan ang ilang biyahe papasok at palabas ng ilang lungsod at probinsya sa bansa kasabay ng papatinding banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ilan sa mga binabaan ng travel restrictions ay ang Lungsod ng Davao at pamahalaang panlalawigan ng Batanes.

Bagama't "walang lockdown," bawal muna ang pagpasok at paglabas ng Davao City.

"Davao City is not on lockdown but here are guidelines on travel:

1. All Davao residents are prohibited from going out of Davao City.

2. All short term visitors are advised to leave Davao City immediately.

3. All travelers to Davao City are requested to postpone your visit until after the State of Public Health Emergency is lifted.

Thank you."

Maliban diyan, iminumungkahi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na "huwag munang dumalo ng misa, prayer meetings at iba pang faith-based at reglious gatherings," sabi ng pahayag sa Inggles.

Kanselado na rin ang klase mula kindergarden hanggang post-graduate studies at bigyan na lamang ng mga takdang-aralin at online sessions.

Idinamay na rin ni Duterte-Carpio, na ngayo'y naka-self-quarantine, maging ang mga graduation ceremonies hangga't nananatili ang public health emergency.

Umabot na sa 52 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ng Huwebes, matapos ang pinakahuling ulat ng Department of Health. Dalawa na rin ang namamatay dahil sa sakit sa Pilipinas.

Nagdeklara ng "lockdown" si Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi sa Metro Manila matapos ang masusing rekomendasyon ng DOH at pakikipagtulungan ng Philippine National Police.

BASAHIN: Ano ito?: Posibleng 'lockdown' dahil sa COVID-19

Sa kabila ng teknikalidad, magkahalintulad ang ginagawa ngayon sa Davao at sa nilalayon ng isang opisyal na "lockdown." 

"Kapag sinabi mong lockdown, pinagbabawalan mo ang tao na umalis sa isang lugar, at pinagbabawalan mo rin silang pumasok doon," ayon kay Malaya sa panayam ng ANC.

Batanes bawal pasukin

Bagama't magkamukha, mas maluwag naman nang bahagya ang nais ipatupad ng Batanaes government sa kanilang probinsya.

Sa bisa ng Executive Order 16, magpapataw din ng temporary travel restriction policy, ngunit mas maghihigpit sa mga gustong pumasok.

"NGAYON, AKO, SI IGNACIO VILLA, Acting Provincial Governor ng Probinsya ng Batas... ay ipinag-uutos ang:

Section 1. Pagbisita sa Probinsya ng Batanes mula ika-16 ng Marso hanggang ika-16 ng Abril, 2020..."

 

 

Sa kabila niyan, papayagan namang makapasok doon ang mga:

  • residente't nagtratrabaho sa mga iba't ibang munisipalidad ng Batanes
  • mga taong inaatasan ng batas para pumasok para gumampan ng mahalagang trabaho na pasok sa interes ng buong bansa (maliban na lang kung nanggaling sa lugar na may documented local transmission ng COVID-19)

Bagama't hindi bawal, inaabisuhan naman ang mga sumusunod laban sa paglabas ng Batanes para sa mga sumusunod:

  • senior citizens
  • may sakit na hindi nangangailangan ng agarang pagdadala sa mga mas malalaking ospital
  • mga may hypertension, diabetes, cancer at iba pang "lifestyle or non-communicable diseases)
  • buntis

vuukle comment

BATANES

DAVAO CITY

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL RESTRICTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with