^

Bansa

Ex-Army nag-amok: 5 patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Lima katao ang patay kabilang ang isang dating sundalo na nagbaril sa sarili makaraang mag-amok habang da­lawang nagrespondeng pulis ang sugatan sa naganap na karahasan dahil sa paninira sa Gen. Trias City ka­hapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Murharma Bau­tista, 59, na dead-on-the-spot sa insidente; Alberto Sorio, 57, retiradong miyembro ng Philippine Army (PA); Recto Marbit, 47, tricycle driver at Pilar Bacaoco, 34, may-asawa; pawang residente ng Purok 6 Sitio Carapiohan, Santiago, Gen. Trias City na nasawi habang gi­na­gamot sa magkahiwalay na ospital dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Dead-on-the-spot naman­ ang suspek na si Junny Pa­­lacio, may-asawa, da­ting­ miyembro ng Philippine Army at residente ng Purok 6, Sitio Carapiohan, Santiago Gen. Trias City, Cavite.

Personal namang di­na­law ni PLt. Col Marlo Solero, hepe ng Gen. Trias City Police ang mga sugatang tauhan na sina P/CMS Zaldy Espiritu at P/SMS Reynante Tan; na tinamaan ng mga bala sa kanang kamay at tiyan. 

Sa ulat ni P/SSgt Armine Matro ng Gen. Trias City Police Station, alas-8:45 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa Purok 6 Sitio Carapiohan, Brgy. Santiago kung saan armado ng kalibre 38 na baril si Palacio at hinanap nito ang anim katao na umano’y naninira sa kanyang­ pagkatao bilang isang contractor.  

Una niyang nakita sina Bautista at Sorio habang nag-uusap sa isang palengke sa lugar at matapos kausapin ay walang sabi-sabing pi­nagbabaril.

Naabutan naman niya si Marbit sa pilahan ng mga tricycle habang nag­hihintay ng pasahero saka nito binaril habang pinuntahan din niya sa kanilang bahay si Bacaoco at doon niya pinaputukan.

Dahil dito, rumesponde ang mga miyembro ng Gen. Trias CPS at na­abutan nila ang suspek pero agad silang pinaputukan na ikinasugat nina Espiritu at Tan.

Tinangkang tumakas ng suspek at nang makorner ay sinabihang su­muko subalit itinutok ang baril sa kanyang sentido at nagbaril. 

vuukle comment

EX-ARMY

SUNDALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with