Wrist band ni Duterte ‘di medical plaster – Palasyo
MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ng Malacañang na medical plaster ang nakita sa pulso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng Sangley Airport noong Sabado.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang puting plaster ng Pangulo ay simbolo na nais nitong magkaroon ng kapayapaan sa Pilipinas.
“That’s more symbolical of his wanting peace in the Philippines... it’s not a medical plaster,” sabi ni Panelo.
Ikinumpara pa ni Panelo ang puting wrist band ni Duterte sa isinusuot na wrist band ni dating Pangulong Joseph Estrada at isinusuot niyang pulang wrist band.
“Hindi ba si Erap mayroong white. Ako rin mayroon tignan mo, pula naman iyong akin,” sabi ni Panelo.
Dagdag ni Panelo na walang dapat ipag-alala dahil sinasabi naman ni Duterte kapag hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
Nang muling tanungin kung sports attire ang nakalagay sa wrist ng Pangulo o simbolo ng kapayapaan, nilinaw ni Panelo na sa nakikita niya ito ay para sa kapayapaan.
- Latest