^

Bansa

Bulkang Taal ibinaba sa 'Alert Level 2'; Posibilidad ng pagsabog lumiit

James Relativo - Philstar.com
Bulkang Taal ibinaba sa 'Alert Level 2'; Posibilidad ng pagsabog lumiit
Kuha ng Taal noong ika-19 ng Enero.
AFP/Ed Jones, File

MANILA, Philippines — Patuloy na bumababa ang aktibidad ng Bulkang Taal sa pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Biyernes ng umaga.

"Nagsisilbi itong anunsyo sa pagbababa ng status ng Bulkang Taal mula Alert Level 3 (pagbaba ng tendensiya sa mapanganib na pagsabog) sa Alert Level 2 (pagbawas ng pag-aalboroto)," sabi ng Phivolcs sa Inggles.

Ika-26 ng Enero nang ibaba sa Alert Level 3 ang bulkan mula sa Alert Level 4 dahil sa pagdalang ng lindol na idinudulot ng bulkan.

Matatandaang itinaas sa Alert Level 4 ang bulkan noong ika-12 ng Enero nang sumabog ang ito, dahilan para umabot sa Metro Manila ang abo na ibinuga mula Batangas.

Delikado sa kulusugan ang nasabing ashfall kung kaya't pinayuhan noon ang mga residente na magsuot ng N95 face masks.

Mas stable na rin ang ground deformation ng Taal Caldera at Taal Volcano Island edifices habang mahihina ang inilalabas na usok ng bunganga nito.

Simula ika-26 ng Enero, nasa 141 volcanic earthquakes ang naitatala araw-araw sa Taal habang bumaba naman ang bilang ng mga signipikanteng kaganapan doon sa 127, mula magnitude 1.4 hanggang magnitude 4.3.

Mahihinang pagbuga ng usok na lamang ang nakikita sa bunganga ng bulkan, kasabay ng pagbaba ng aktibidad kaugnay ng tunaw na bato sa ilalim ng lupa (magma).

Panganib nariyan pa

Sa kabila nito, pinaaalalahanan ng gobyerno na huwag makampante ang publiko sa mga nangyayari.

"[H]indi ito nangangahulugan na wala nang pag-aalboroto o wala nang panganib ng pagsabog," babala ng Phivolcs.

Maaari pa rin daw na ibalik sa Alert Level 3 ang bulkan oras na magbago ang mga pihit ng sitwasyon: "Kapag nangyari 'yon, lahat ng mga residenteng bumalik sa mga lugar na peligroso sa 'base surges...' ay kinakailangang agad na ilikas."

Umabot sa libu-libong residente ang inilikas sa mga evacuation centers kasunod ng matinding pagsabog noong Enero.

vuukle comment

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with