^

Bansa

WHO blangko pa sa pinagmulan ng COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aminado ang World Health Organization (WHO) na wala pa ring malinaw na pag-aaral o ebidensya na magsasabi kung saan nagmula ang coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang binigyan-diin ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe, kasunod ng kumakalat na ispekulasyon kung saan nagmula ang COVID-19.

Aniya, isa sa sinasabing pinagmulan ng virus ang pagkain ng mga Chinese ng bat soup o sinabawang paniki.

Subalit ang mga ito ay wala pang konkretong resulta kaya hindi pa malaman ang tunay na pinagmulan.

Dagdag pa nito, na ang sakit na MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay isang uri ng virus mula sa hayop na naililipat sa tao.

Gayunman, iginiit ni Abesayinghe na nananatiling teorya pa lamang ang mga kumakalat na ispekulasyon, hangga’t hindi napapatunayan ang totoong pinagmulan ng COVID-19.

 

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with