^

Bansa

20 pamilya nasunugan sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 20 pamilya ang nawalan ng kanilang bahay makaraang sumiklab ang sunog sa isang apat na palapag na gusali at kumalat sa mga katabing bahay sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- Caloocan, alas-7:40 ng umaga nang sumiklab ang sunog  sa gusali sa may 9th Avenue, Brgy. 63 na pag-aari ni Ferdinand Molina.

Umakyat ang sunog sa ikatlong alarma dakong alas-8:05 ng umaga kung saan anim na bahay pa ang nadamay sa Brgy. 63 at panibagong anim na bahay sa katabing Barangay 59.

Matapos ang higit isang oras, tuluyang nagdeklara si Caloocan Fire Marshall FSupt. Stephen Requina ng fire out dakong alas-8:55 ng umaga habang tinatayang nasa P1.2 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok.

Isang hindi pinangalanan na barangay tanod na tumutulong sa paglaban sa apoy ang nasugatan habang walang naiulat na nasawi sa insidente.

Inilikas naman sa pinakamalapit na evacuation center ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog.  

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with