^

Bansa

Benguet officials, nangako ng suporta sa bagong caretaker

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako ng suporta ang mga opisyal ng Benguet Province, sa pangunguna ni Gov. Melchor Diclas sa bagong talagang caretaker ng lone district ng Benguet sa kongreso na si ACT-CIS Cong. Eric Yap. 

Sinadya ni Cong. Yap ang mga opisyal sa Benguet at nakipagpulong para malaman ang mga problema ng bawat bayan at lalawigan na rin para ito ay matugunan agad. 

“Narito po ako para alamin ang kailangan ng mga taga-Benguet ng sa ganun ay maaksyunan natin ang mga problema dito,” ayon kay Yap.

Natukoy na ilan sa mga pangunahing problema ng Benguet ay kakulangan sa farm to market roads, ang pagtatapunan ng kanilang basura dahil wala itong sariling dumpsite, at kakulangan sa pondo at gamot ang government hospital doon.

“Kung wala pa pong pondo para dito, ako po mismo ang hahanap sa Maynila para maresolba ang mga problemang ito,” dagdag ni Yap.

Umaasa si Gov. Diclas at mga mayor na agad maaksyunan ang problema sa lalawigan.

 

vuukle comment

BENGUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with