^

Bansa

Partylist rep itinalagang ‘caretaker’ sa Benguet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap ang kanyang matapat at mapagkakatiwalaang serbisyo kasabay ng pagtanggap sa hamon na ibinigay sa kanya bilang caretaker sa lone district ng Benguet.

Ito ang ipinahayag ni Yap matapos siyang italaga ni House Speaker Alan Peter Cayetano bilang caretaker ng naturang probinsya matapos masawi nitong Dis­yembre dahil sa malubhang karamdaman ang inihalal na kongresista na si Nestor Fongwan Sr.

Bagama’t aminadong hindi tubong Benguet, iginiit naman ni Yap na naging malaking bahagi sa kanya ang probinsya noong siya ay ahente pa lamang ng iba’t ibang produkto at nagsisimula sa kanyang karera bago maging isang matagumpay na negosyante. 

Iginiit naman ni Yap na wala siyang balak tumakbo  sa anumang political position sa Benguet at susundin lamang niya ang ibinigay na tungkulin sa kanya bilang caretaker ng Benguet. Sinagot din niya ang ilang mga kumukwestyon sa pagkakatalaga sa kanya dahil hindi siya taga-Benguet.

Sa mga susunod na araw nakatakdang bisitahin ng mambabatas ang Benguet sa kauna-unahang pagkakataon matapos itong maitalagang caretaker ng lugar.

vuukle comment

BENGUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with