^

Bansa

Singil sa tubig sa Metro Manila pinakamababa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng reklamo sa halaga ng bayarin sa tubig, lumilitaw sa mga datos na pinakamababa pa rin ang singil sa tubig sa Metro Manila kumpara sa 12 metro cities sa buong Pilipinas maging sa ibang siyudad sa Asia-Pacific region.

Ang mga consu­mers ng Metro Manila na kumokonsumo ng 10 cubic meters ng tubig kada buwan ay nagbabayad lamang ng P104 kumpara sa Baguio na nagbabayad ng P370 sa kaparehong konsumo.

Kasunod ng Baguio sa may pinakamataas na singil ang San Jose del Monte na pangalawa sa may pinakamataas na water rate na P280 kada buwan.

Sa datos mula sa Local Water Utilities Administration (LWUA), mas mataas din ang binabayaran sa tubig ng mga consumers sa Angeles, Batangas, Bacolod, Cabanatuan, Cagayan de Oro, Dasmariñas, Metro Iloilo, Metro Cebu at Davao.

Ang water rates sa Metro Manila ay pinapatawan ng 12% value-added tax (VAT) at environmental charges.

Para sa mga consumers na gumagamit ng 20 cubic meters kada buwan, ang Davao City ay nagpapatupad ng pinakamababang rate na P281 at pangalawa ang Metro Manila na sumisingil ng P306.

Sa rates na ito, pinakamataas muli ang Baguio City na umaabot sa P775 ang singil kada 20 cubic meters kada buwan.

Sa comparative rates ng 2018 Global Water Intelligence Report, kung ikukumpara ang water rates sa mga siyudad sa Asya Pasipiko para sa mga consumers na gumagamit ng 15 cubic meters kada buwan, ang Metro Manila pa rin ang pinakamababa sa P18.28/cubic meter.

Ang Sydney, Australia ang may pinakamataas na rate sa P99.63 per cubic meter kapag nai-convert ang rate sa Philippine peso gamit ang P53.33 exchange rate per US dollar.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with