^

Bansa

Mga bitak sa lupa dumami pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga bitak sa lupa dumami pa
“Ang pagtaas ng magma ang nagdudulot ng mga bitak,” paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum. Kung patuloy ang pagtaas ng magma, mas malaki ang posibilidad ng aktibidad ng bulkang Taal.”
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dumami pa ang mga bitak sa paligid ng Bulkang Taal na nagpapa­kita na aktibong-aktibo ito kahit parang kalmado kahapon ng umaga.

“Ang pagtaas ng magma ang nagdudulot ng mga bitak,” paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum. Kung patuloy ang pagtaas ng magma, mas malaki ang posibilidad ng aktibidad ng bulkang Taal.”

Naunang ipinaliwa­nag ng Phivolcs na naganap ang mga bitak bago ang pagputok habang umaakyat sa bulkan ang magma.

Sa 8 a.m. bulletin nito kahapon, nakapagtala ang Phivolcs ng 466 volcanic earthquakes mula 1 p.m. ng Enero 12. Sa bilang na ito, 156 ang Intensity 1 to 4.

“Malakas na iyan para sa volcanic earthquake,” sabi ni Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Bornas. “Ang mga lindol ay likha rin ng gumagalaw na magma.”

Pero sinabi ni Bornas na mahirap pang sabihin kung ang mga bagong bitak sa Batangas ay senyales ng mabilis na papalapit na pinakama­laking pagsabog.

“Mas maiging obserbahan ang mga lindol,” sabi ni Solidum, bagaman ang mga lindol at bitak ay indikasyon ng paggalaw ng magma. 

Hindi eksaktong masabi ni Solidum kung gaano pa katagal ang mga pagputok na ito ng Taal.

Noong 1911, tumagal ang pagputok nang tatlo hanggang apat na araw. Noong 1965, tumagal ito nang isang buwan at, noong 1754, nagpatuloy ang mga pagsabog hanggang pitong buwan.

Depende anya ito sa pag-akyat ng magma, gaano ang bilis sa pagtaas o kung titigil sa paggalaw ang magma.

“Kung oobserbahan natin ang harmonic tremors o patuloy na mga lindol, maaaring malapit na ito sa pinakamalakas na pagsabog,” dagdag niya.

Nananatili ang Alert Level 4 sa bulkang Taal na, ibig sabihin, posi­bleng maganap ang mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang oras o araw.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with