^

Bansa

Abo mula Bulkang Taal ginagawang pundasyong panggusali sa Biñan

James Relativo - Philstar.com
Abo mula Bulkang Taal ginagawang pundasyong panggusali sa Biñan
"Ashfall to bricks!! "Kaya kailangan nating isako ang mga ito at hindi makabara sa ating mga canal," sabi ni banggit ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila sa isang paskil sa Facebook.
Mula sa Facebook account ni Arman Dimaguila

MANILA, Philippines — "When life gives you lemons, make lemonade" — tila 'yan ang motto ngayon ng isang lungsod sa Laguna matapos mapagdesisyunang lumikha ng bloke-blokeng pundasyon pang-istruktura mula sa abong iniluwa ng Bulkang Taal kamakailan.

"Ashfall to bricks!! "Kaya kailangan nating isako ang mga ito at hindi makabara sa ating mga canal," sabi ni banggit ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila sa isang paskil sa Facebook.

Sa video na ito, makikita kung paano nila imamanupaktura mula sa abong ibinuga ng Bulkang Taal ang mga nasabing brick.

 

 

Linggo nang biglang bumalaga sa malaking bahagi ng Gitnang Luzon, CALABARZON at Kamaynilaan ang ashfall mula sa nangyaring phreatic eruption, na sinasabing delikado kung malalanghap — dahilan para imungkahi ang pagsusuot ng N95 face masks sa mga lugar na apektado. 

Una nang sinabi ng PAGASA na aabutin nang hanggang tatlong araw bago mag-settle ang mga nasabing ash particles mula sa hangin.

Tumitigas kapag nabasa

Ayon sa GNS Science, isang research institute sa New Zealand, mainam na walisin ang ashfall habang ito ay tuyo pa.

"[K]apag nalagyan ito ng tubig, magiging putik ang abo at magiging kasingtigas ng semento," sabi nila sa Inggles.

May bigat na 120 hanggang 200 pounds kada square yard ang tuyong layer ng ashfall, at dumodoble ang bigat kapag mababasa, sabi naman ng United States Geological Survey.

"'Yung dami ng abo bago bumigay ang bubong, paiba-iba — mas madali nitong masira ang mga flat roofs kumpara sa mga patarik," sabi ng USGS.

Nagco-conduct din ng kuryente ang abo kung mababasa, dahilan para magdulot ito ng short circuit at pagkasira ng electronic components gaya ng high-voltage circuits at transformers.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 pa rin ang Bulkang Taal sa probinsya ng Batanggas, na maaaring mag-alboroto hanggang sa susunod na pitong buwan, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Oras na ideklara ang Alert Level 4 sa Taal, sinasabing posible ang "hazardous erruption" sa susunod na ilang araw.

vuukle comment

ASHFALL

BINAN

LAGUNA

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with