^

Bansa

Presyo ng face mask tumaas

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng face mask tumaas
Sinabi ng DTI na merong mga nagsumbong sa kanila na ilang mga retailer ang nagtaas ng presyo ng face mask at gas mask para samantalahin ang biglang pangangaila­ngan dito dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
Edd Gumban

DTI nagbabala sa mga retailer

MANILA, Philippines — Nagpakalat na ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) para umikot sa iba’t ibang mga pamilihan para supilin ang mga napaulat na pag-abuso sa presyo ng mga face masks na pinagkaka­guluhan ng publiko dahil sa nararanasan na “ashfall”. 

Sinabi ng DTI na merong mga nagsumbong sa kanila na ilang mga retailer ang nagtaas ng presyo ng face mask at gas mask para samantalahin ang biglang pangangaila­ngan dito dahil sa pagputok ng bulkang Taal.

Sa reklamo ng mga konsyumer na isinumbong sa DTI at naka-post din sa social media, ang dating P35 na N95 surgical mask ay ibinibenta na ng mga negosyante mula P100 hanggang P200 bawat isa.

Kaugnay nito, sina­bihan ng DTI ang mga retailer na nagpakalat ng mga tauhan ang departamento para imonitor at matyagan ang galaw ng presyo ng face mask sa pamilihan.

Ang mapapatuna­yang umaabuso sa pres­yo ng mga face masks ay lalabag sa “profiteering” at pananagutin ng DTI base sa isinasaad ng batas.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with