^

Bansa

Philippine combat troops tuloy pa rin sa Middle East

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang atrasan at tuloy ang planong pagpapadala ng pamahalaan ng combat troops sa Middle East kaugnay ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

 Ito’y sa kabila ng pagpapatigil sa mandatory repatriation o paglilikas sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Iran at Lebanon sa gitna na rin ng tensyon doon.

“Kahit hindi na isasagawa ang mandatoryong repatriation ng mga Pilipino sa Iran at Lebanon, tuloy pa rin ang plano ng pamahalaang Pilipino na magpadala sa Middle East ng mga asset at tauhan ng Armed Forces of the Philippines,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. 

“Nananatili ang mandatory repatriation sa Iraq habang ang mga Pilipino sa Iran, Libya at Lebanon na gustong umuwi sa Pilipinas dahil sa tension ay aayudahan ng pamahalaan,” sabi ng kalihim.

Ang mga sundalong idedeploy sa lugar ng ka­guluhan doon ay tutulong sa mga Pinoy na nais ng lumikas at maging sa humanitarian operatiions.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Lorenzana, patuloy ang mahigpit na koordinasyon  ng mga ahensya ng pamahalaan para tulungan ang mga apektadong OFW sa Middle East.

Ang dalawang batalyon o 1,000 combat troops ay magmumula sa Philippine Army at Philippine Marines.

vuukle comment

MIDDLE EAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with