^

Bansa

Martial law sa Mindanao tapos na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MINDANAO, Philippines — Pormal nang nagwakas ang implementasyon ng martial law sa Mindanao nitong Dis­yembre 31, 2019.

Inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipagpapatuloy ng tropa ng militar ang pagbabantay sa nakamit na kapayapaan sa rehiyon pagkaraang mapagdesisyunan ng gobyerno na huwag ng palawigin pa ang martial law.

Kasabay nito, pina­salamatan naman ni Lorenzana ang mga residente ng rehiyon sa pagsuporta sa martial law.

Unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law noong Mayo 23, 2017 matapos umatake at maghasik ng tero­rismo ang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City noong Nobyembre 23, 2017.

Napalawig ang martial law mula Hulyo 24 hanggang Disyembre 2017 habang dalawang beses pa itong pinalawig sa tulong ng Kongreso sa buong taon ng 2018 at 2019.

Idinagdag pa ni Lorenzana na nakamit na ng security sector ang hangad at misyon nito sa implementasyon ng martial law.

“The security sector believes that the objective of the martial law has been achieved. The rebellion in Marawi, Lanao del Sur and other areas in Mindanao have been effectively stopped,” ani Lorenzana.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with