^

Bansa

Single-use plastics iwasan sa mga Christmas parties

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela kahapon si Sen. Leila de Lima sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga single-use plastics sa mga Christmas parties.

Ayon kay de Lima, isang malaking problema na ang basura sa bansa at kalimitang napupunta lamang sa karagatan at mga landfill ang mga single-use plastics o mga plastic na isang beses lamang ginagamit.

Anya, bahagi na ang mga Christmas parties ng Yuletide season, pero dapat maging eco-friendly ang mga kasiyahan at iwasan ang mga single-use plastics katulad ng straws, plastic cups, plastic utensils, at maging mga stirrers.

Isa ang senador sa mga nagsusulong na tuluyan ng ipagbawal ang mga single-use plastics dahil nakakasama ito sa kalikasan at mga mamamayan. 

Ayon sa 2017 Ocean Conservancy report, ang Pilipinas, kasama ang China, Indonesia, Vietnam, at Thailand ay nagtatapon ng higit sa kalahati ng 8 milyong tolenadang plastic waste na napupunta sa karagatan taun-taon.

Kamakailan ay nagbabala ang environmental acti­vist na si Maria Fernanda Espinosa na pagdating ng 2050, mas marami pa ang mga plastic sa karagatan kaysa sa mga isda.

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with