^

Bansa

TESDA bubusisiin sa katiwalian

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubusisiin ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang mga sumbong na natatanggap niya tungkol sa umano’y nangyayaring korupsyon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Atienza, kung kinakailangan, ipapatupad ang oversight function ng Kamara para malaman kung ano ang ginagawa ni TESDA Director General Isidro Lapeña rito.

Kabilang sa mga reklamo ang hindi pagbibigay ng starter toolkits sa mga graduate ng Special Training for Employment Program (STEP) noong 2018.

Nabatid na ang pondo mula sa STEP  na nagkakahalaga ng P800 milyon ay nanggagaling sa mga kongresista na inilalaan sa TESDA para sa mga constituents nila na mahihirap.

Nag-ugat umano ang problema sa STEP matapos umanong balewalain ni Lapeña ang rekomendasyon ng TESDA oversight committee sa nanalong bidder na bibili noong 2018 at sa halip ay ipinag-utos umano niya ang rebidding sa P1.4 billion deal para sa procurement ng training kits noong 2018.

Ang nasabing kaso ay nakabinbin sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) hanggang ngayon.

Bukod sa umano’y korupsyon dito, inirereklamo rin umano ng mga pribadong miyembro ng  Technical Vocational Institutes (TVI’s) sa iba’t ibang panig ng bansa ang tila militar na pamamalakad ni Lapeña sa tinatawag nilang “Camp Tesda” dahil sa sapilitang pagsasara sa mga eskuwelahan nang walang due process.

Isinumbong din ang umano’y mga paninigaw at pangha-harass sa mga empleyado ng TESDA at mga miyembro ng TVIs.

vuukle comment

LITO ATIENZA

PARAñAQUE REGIONAL TRIAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with