^

Bansa

Sotto sa US: Hindi n’yo na kami colony!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Sa reso na palayain si De Lima

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang Senado ng Amerika na hindi na sakop ng kanilang bansa ang Pilipinas.

Sinabi ito ni Sotto matapos aprubahan ng isang US Senate panel ang isang resolusyon na nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na palayain na si Sen. Leila de Lima.

“We are a soverign nation...We are not a colony anymore,” sabi ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, mayroong sariling judicial process ang Pilipinas at hindi dapat pinakikialaman ng ibang bansa.

Tinanong din ni Sotto kung ano ang magiging reaksiyon ng Amerika sakaling magpasa sila ng isang resolusyon na nananawagan sa US na ikulong ang lahat ng abortionists dahil iligal ang abortion sa Pilipinas.

Dagdag ni Sotto na “territorial” ang criminal laws sa iba’t ibang bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na garapal na ang ginagawa ng Amerika at hindi na nito dapat ituring na “little brown brother” ang Pilipinas.

Sinabi pa ni Marcos na dapat magpakita ng kahit konting respeto ang Amerika sa Pilipinas.

vuukle comment

SENADO

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with