^

Bansa

Singil sa tubig tataas kung kontrata 'di ie-extend — Manila Water, Maynilad

Philstar.com
Singil sa tubig tataas kung kontrata 'di ie-extend � Manila Water, Maynilad
"Kung mawawala po yung extended term talaga pong magkakaroon ng mas malaking adjustment kung ang mababawi mo doon sa mas maikling panahon," sabi ni Manila Water board member Antonio Aquino.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nagbanta ang dalawang pinakamalalaking kumpanya ng tubig sa bansa na magtataas ng singil oras na hindi palawigin ang kani-kanilang concession deals sa dahilang mapaiiksi ang panahon na maaari nilang mabawi ang ipinuhunan.

Parehong binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Manila Water Company Inc. at Maynila Water Services Inc. at inakusahan ang dalawa na lumikha ng mga "maanomalyang kontratang" ikalulugi ng publiko.

Nangyari ang pagbira ni Digong matapos utusan ng Singpaore-based arbitration panel ang gobyerno na bayaran ang Manila Water at Maynila para sa mga "losses" na nakuha nila mula sa mga rate hike na hindi ipinatupad.

Sa isang congressional hearing, sinabi ng Manila Water at Maynilad na napag-alaman na nilang kanselado na ang pagpapalawig ng kanilang kontrata sa 2022 at 2037.

Merong tatlong araw ang dalawang kumpanya para maghain ng kanilang posisyon papers.

Bagama't sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na hindi pa klaro kung sisirit ang singil sa tubig kung i-terminate ang mga kontrata, sinabi naman ng mga opisyal ng dalawang negosyo na mataas ang magiging adjustments.

"Sigurado magiging mataas dahil ang rationale ng extension noon ay para mapigilan ang spikes sa mga taripa," sabi ni Maynilad CEO Ramoncito Fernandez sa mga mambabatas sa Inggles.

Ganoon din ang sinabi ni Manila Water board member Antonio Aquino: "Kung mawawala po yung extended term talaga pong magkakaroon ng mas malaking adjustment kung ang mababawi mo doon sa mas maikling panahon."

'Lubhang pagkabahala'

Sa gitna ng mga tirada ni Digong, nagkasundo ang dalawang kumpanya na bitiwan na lang ang P10-bilyong compensation claims mula sa gobyerno, maliban sa pagbawi sa naunang plano na magtaas ng rates sa 2020.

Sa ilalim ng concession agreement, maaaaring bawiin ng dalawang kumpanya ang kanilang gastusin sa operasyon, capital maintenance at investment.

Taong 1997 pa nang nagsimulang mag-suplay ng tubig sa Kamaynilaan ang dalawang kumpanya.

Sa parehong pagdinig, sinabi ni Fernandez na nababahala siya sa desisyon ng MWSS na ibasura ang extension ng mga concession deal.

"Gusto lang naming sabihin na lubha kaming nababahala at naniniwala kaming hindi tama na na makaisang panig na tatapusin ang kasunduan," sabi niya.

Oras na matapos ang mga kontrata sa 2022, maaaring pumasok ang mga panibagong operator, sabi ng MWSS. — James Relativo at may mga ulat mula kina Ian Nicolas Cigaral at The STAR/Maureen Simeon

vuukle comment

MANILA WATER

MAYNILAD

MWSS

WATER RATE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with