^

Bansa

Legal action babala ng DOJ sa water concessionaires

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Justice na may legal action sila na gagawin kung hindi aalisin ng dalawang water concessionaires ang umano’y “illegal” at “onerous” provisions sa kasunduan nito sa gobyerno.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, ang nasabing probisyon ang naging dahilan ng desisyon ng arbitration court sa Singapore na atasan ang gobyerno ng Pilipinas na magbayad ng P3.6 billion sa Maynilad at P7.4 billion sa Manila Water dahil sa lugi ng concessionaires sa hindi pinatupad na rate adjustment.

Sinabi naman ni Justice spokesperson at Undersecretary Markk Perete na pumayag na ang Maynilad at Manila Water na upuan at makipag-usap sa gobyerno ukol sa sina­sabing ‘disadvantageous provisions.’

Matatandaang pinansin ni Pangulong Duterte ang ilang probisyon sa kontrata na dehado ang pamahalaan tulad na lang ng kapag nakialam ang gobyerno sa pagpapatupad na water rates ay magbabayad pa ito sa kung ano man ang magiging lugi ng kumpanya.

Ani Perete, base sa DOJ evaluation na ang kahalintulad na probisyon ay labag sa Republic Act 6234, o batas na lumilikha ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, dahil nakasaad dito na ang MWSS board of trustees lamang ang maaaring magpatupad ng water rates.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

MENARDO GUEVARRA

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with