^

Bansa

Hagupit ni Tisoy! 4 patay, 5 sugatan

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hagupit ni Tisoy! 4 patay, 5 sugatan
Sinira ng bagyong Tisoy ang Legazpi City domestic airport sa FB photo na ito ng Bravo Dos Quatro Diaz.

MANILA, Philippines — Nagdala ng matinding pag-ulan at malakas na hangin ang bagyong Tisoy na nanalasa sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas Region at Metro Manila.

Apat katao ang nasawi, lima ang nasugatan habang nasa kalahating milyon ang inilikas sa paghagupit ng bagyo.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) V at Police Regional Office (PRO) V, kinilala ang nasawi na sina  Marco Paulo Ursua, 33, na nakuryente sa Libmanan, Camarines Sur at Joel Beledio, 38, nabagsakan ng puno sa Ormoc City, Leyte.

Dalawa rin ang patay sa Oriental Mindoro, isa rito ay 59-anyos na mister na nadaganan ng sanga nang nabuwal na puno sa bayan ng Baco at isa pa sa bayan  ng Pinamalayan na nabagsakan ng debris sa loob ng kanilang bahay. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Samantala, ang mga nasugatan ay nadaganan nang nabuwal na puno at tinamaan ng debris dahil sa malakas na hanging dulot ni Tisoy.

Isa ang nawawala na nilamon ng malakas na agos sa ilog na si Dioluo Agam, 27, matapos umapaw ang tulay habang bumabagtas ang motorsiklo nito sa Brgy. Quinat-uyan, Maayon, Capiz kahapon.

Nawalan din ng kur­yente ang malaking ba­hagi ng Albay, Catan­duanes, Sorsogon at Camarines Sur.

Sa huling forecast ng PAGASA, unti-unti nang lumalabas sa kalupaan ng Luzon ang bagyong Tisoy matapos apat na beses mag-landfall.

Unang nag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, sumunod sa Burias Island at muling tumama sa Marinduque saka nagtungo sa Batangas-Northern Oriental Mindoro area.

Dahil sa bagyo, kinansela ang biyahe ng mga eroplano dahilan para ma-stranded ang ilang pasahero.

Nagsuspinde rin ng mga klase sa lahat ng antas at pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong Metro Manila.

Sa huling forecast, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 130 kph at pagbugsong 200 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kph.

Ngayong Miyerkules, si Tisoy ay nasa la­yong 375 km kanluran ng Subic, Zambales at inaasahang lalabas ng bansa sa Huwebes. 

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods  ng lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang residente.

vuukle comment

BAGYO

TISOY

WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with