^

Bansa

Pagkamatay ng PMA cadet sa pool walang ‘foul play’ – PNP

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay ng PMA cadet sa pool walang �foul play� � PNP
Sinabi ni Baguio City Police Director Col. Allen Rae Co na walang palatandaan na sinadya ang pagkamatay ni Cadet Fourth Class Mario Telan Jr. at maaaring ak­sidente ang naganap na pagkalunod nito.
Gerry Lee Gorit/FIle

MANILA, Philippines — Walang “foul play” sa pagkamatay ng isa pang kadete ng Philippine Military Academy sa Baguio City kamakalawa, ayon sa isang opisyal ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Baguio City Police Director Col. Allen Rae Co na walang palatandaan na sinadya ang pagkamatay ni Cadet Fourth Class Mario Telan Jr. at maaaring ak­sidente ang naganap na pagkalunod nito.

Si Telan ay nadiskubre ng kaklase nito na wala nang buhay ha­bang nakalutang sa 15-talampakang swimming pool sa loob ng PMA pasado alas-11 ng tanghali kamakalawa o ilang oras matapos siyang dumalo ng kanyang swimming class.

Ang kadete ay kabilang sa kaklase ng na­paslang sa hazing at torture na si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18.

 Ayon naman kay Capt. Cheryl Tindog, PMA spokesperson, ginawa nila ang lahat para masagip ang buhay ni Telan pero idineklarang dead-on-arrival sa PMA Station Hospital.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng PMA ang dalawang instruktor na hindi pa malaman ang pangalan, ayon kay Tindog. 

Sinabi naman ni Baguio City police director Police Colonel Allen Rae Co na ang insidente ay bunsod umano ng ka­pa­bayaan ng mga swimming instructor dahil sa pagkabigong subayba­yang mabuti at tiyakin ang kaligtasan ng mga kadete. Malamang an­yang kasuhan ang mga instruktor. 

vuukle comment

PMA CADET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with