^

Bansa

SC pinalawig ng 30 days ang hatol sa Maguindanao massacre

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
SC pinalawig ng 30 days ang hatol sa Maguindanao massacre
Sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na batid naman ng lahat na maraming akusado sa Maguindanao massacre at ang Korte Suprema ay pumapayag naman sa mga hiling tulad ng motion for extension.
File

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Kor­te Suprema ang kahi­lingan ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na bigyan pa siya ng 30-araw na palugit upang madesisyunan ang kaso ng Maguindanao massacre.

Sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na batid naman ng lahat na maraming akusado sa Maguindanao massacre at ang Korte Suprema ay pumapayag naman sa mga hiling tulad ng motion for extension.

Nauunawaan anya ng SC ang mga karaingan ng ilang hukom tulad sa sitwasyon ni Judge Solis-Reyes kaya pinayagan na nila ang mosyon nito.

Umaasa si Peralta na bago matapos ang taon ay magkakaroon na ng promulgasyon ang kaso.

November 23, 2009 ng maganap ang Maguindanao massacre kung saan 58 katao ang pinaslang kabilang ang asawa at dala­wang kapatid na babae at kaanak ng ngayon ay Maguindanao Gov. Ismael Mangudadatu at ilang miyembro ng media.

Kabilang sa mga akusado sina dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at kapatid nitong si Andal Ampatuan Jr. na alkalde ng bayan ng Datu Unsay.

vuukle comment

SC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with