^

Bansa

Bagyong 'Quiel' severe tropical storm na, magiging typhoon sa Sabado

James Relativo - Philstar.com
Bagyong 'Quiel' severe tropical storm na, magiging typhoon sa Sabado
Tumindi rin ang hanging taglay nito, mula 75 kilometro kada oras kagabi patungong 95 kilometro kada oras.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang hagupit ng bagyong Quiel nang ideklarang severe tropical storm ngayong umaga sa patuloy nitong paggalaw nang mabagal pa-silangan, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Alas-diyes ng umaga, natagpuan ang mata ng bagyo 360 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Coron, Palawan.

Tumindi rin ang hanging taglay nito, mula 75 kilometro kada oras kagabi patungong 95 kilometro kada oras.

May bugso naman ito ng hangin na aabot ng hanggang 115 kilometro kada oras.

"Si Quiel ay inaasahan pa rin nating mag-intensify pa, so lalakas pa siya as typhoon, within the next 48 hours," sabi ni Raymond Ordinario, weather specialist ng PAGASA.

"Magiging typhoon siya sa paglabas niya ng Philippine Area [of Responsibility.]"

Batay sa track ng bagyo, maliit ang tsansa na tumama ang bagyo sa kalupaan.

Mula ngayon hanggang bukas ng umaga, makararanas ng mahina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa:

  • Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • Apayao

Mahina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang makaaapekto sa:

  • Kalinga
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • Zambales
  • Bataan
  • Palawan
  • Mindoro Provinces
  • Antique
  • Iloilo
  • Guimaras

Ang mga nabanggit na lugar, lalo na yaong madaling bahain at tamaan ng landslide, ay pinapayuhan ng weather bureau na mag-ingat, at makipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management offices.

Mabuti rin aniya na sumubaybay sa mga balita, lalo na sa mga thunderstom, rainfall advisories at heavy rainfall warnings ng PAGASA Regional Services Divisions.

vuukle comment

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SEVERE TROPICAL STORM QUIEL

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with