^

Bansa

BDO kumita ng P32.1 bilyon mula Enero-Setyembre

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang BDO Unibank, Inc. (BDO) ay nagtala ng P32.1 bilyong net income sa unang siyam na buwan ng taon kumpara sa P21.5 bilyon noong nakaraang taon bunsod ng paglawak ng recurring core revenues ng bangko. Ang net income sa 9M19 ay katumbas ng Return on Common Equity (ROCE) na 12.5%, kumpara sa 9.5% noong 9M18.

Tumaas ang customer loans ng 6% taon-sa-taon sa P2.1 trilyon na pinangunahan ng matatag na pag­lago sa middle-market at consumer segments. Samantala, lumaki ang total deposits ng 3% patungong P2.4 trilyon, kung saan tumaas ang low-cost Current Account/Savings Account (CASA) deposits ng 6% para sa kabuuang 72% ng total deposits.

Tumaas din ang Net Interest Income (NII) sa P88.5 bilyon, at ang net interest margins (NIMs) ay patuloy na bumuti sa 3Q19.

Ang kita sa trading at foreign exchange sa 3Q19 ay nagkakahalaga ng P690 milyon mula sa P1.0 bil­yon noong nakaraang taon. Gayunpaman, ang tra­ding at forex gains na P4.3 bilyon sa loob ng siyam na buwan ay normal lamang kumpara noong 2018.

Sa pamamamagitan ng focused growth strategy, matatag na business franchise, solidong balance sheet, at malawak na geographic reach, ang BDO ay nananatiling nasa posisyon para samantalahin ang matibay na economic pace ng bansa at mga oportunidad sa mga hindi gaanong napagsisilbihan at umuusbong na merkado.

vuukle comment

BDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with