^

Bansa

‘World class’ Teacher’s Lounge alay sa mga guro sa Taguig

Pilipino Star Ngayon
�World class� Teacher�s Lounge alay sa mga guro sa Taguig
Pinangunahan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Taguig Mayor Lino Cayetano ang ribbon cutting ng newly constructed Teacher’s Lounge sa Em’s Signal Village Elementary School sa Barangay Central Signal Taguig City, kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Isang ‘world class” lounge ang ipinagkaloob ng Taguig para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa lungsod kung saan maaari silang magpahinga, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo na sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro. 

Binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig sa isang seremonya kahapon.

Naglalaman ng entertainment area, lounge, pantry and conference room ang nasabing pasilidad.

Kasunod nito ay bubuksan ang pangalawang Teacher’s Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) na matatagpuan sa Ususan. 

Binabalak rin patayuan ng City Hall ang mga natitirang pampublikong paaralan sa darating na Enero 2020. Magkakaroon ng kanya-kanyang Teacher’s Lounge ang bawat 26 paaralang elementarya at 10 high school na matatagpuan sa Taguig. 

Ang nasabing inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 principal at mahigit kumulang 4,156 guro, o higit pa dahil sa tumataas na oportunidad para sa mga guro sa sistema ng pampublikong paaralan dito sa Taguig.

“We recognize that our self-sacrificing teachers need a reprieve from their immense workload,” wika ni Mayor Lino Cayetano.

“The Teachers’ Lounge is a space where they can eat, unwind, bond with each other and conduct meetings. Above all else, it will raise their morale, help them destress, promote dialogue and build a sense of belonging,” dagdag niya.

Kasama rin sa naging seremonya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga lingkod bayan ng Taguig. 

vuukle comment

WORLD CLASS’ TEACHER’S LOUNGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with