Bagyo nagbabantang pumasok sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Patuloy na nagbabanta ang isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa Typhoon category na ngayon at may international name na Hagibis.
Ayon kay Loriedin dela Cruz, weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, kahapon ng umaga ay taglay ni Hagibis ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras.
Si Hagibis ay patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran at inaasahang pumasok sa PAR sa Miyerkules o Huwebes.
- Latest