^

Bansa

Pagtatapon ng mga tiwaling pulis sa Mindanao pinatitigil

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagtatapon ng mga tiwaling pulis sa Mindanao pinatitigil
Ayon kay Sen. Richard Gordon, kung may kasalanan, dapat tanggalin sa puwesto ang mga tiwaling pulis at hindi dapat ilipat lamang sa ibang lugar.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Dapat nang itigil ng Philippine National Police (PNP)  ang pagpapatapon ng mga tiwaling pulis sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, kung may kasalanan, dapat tanggalin sa puwesto ang mga tiwaling pulis at hindi dapat ilipat lamang sa ibang lugar.

Sinabi ni Gordon na hindi makatarungan na sa magandang lugar katulad ng Mindanao dinadala ang mga nagkakasalang pulis.

“It is very, very unfair to Mindanao. It is a beautiful place but it is becoming dirty dahil lagi na lang doon tinatapon pag may kaso. Itinatapon niyo lang sila sa Mindanao, you are perpetrating the scalawags in uniform by doing that,” sabi ni Gordon.

Anya, nasasayang din ang pera ng gobyerno dahil kinakailangan pang i-monitor ang mga pulis na itinatapon sa Mindanao sa halip na inaalis sila sa hanay ng PNP.

Aminado naman sina Senators Panfilo Lacson at Ronaldo dela Rosa na kapwa naging PNP chief na nakagawian nang ipadala sa Mindanao ang mga tiwaling pulis upang malayo sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

Pero sinabi ni Gordon na kung may nagkasala, dapat ay imbestigahan at kasuhan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with