^

Bansa

2 general sabit sa droga - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
2 general sabit sa droga - Digong
Binigyang-diin pa ni Pangulong Duterte na inilunsad niya ang drug war simula ng maging Pangulo noong 2016 upang protektahan ang mamamayan.
ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

MANILA, Philippines — Dalawang aktibong heneral ang patuloy na ‘naglalaro’ sa illegal drugs, ayon kay Pangulong Duterte sa isang forum sa Sochi, Russia.

“And right now, even as I fly here and go back. There are about again two generals who are still playing with drugs,” wika ng Pangulo sa forum na dinaluhan ng world leaders, Russian officials, policymakers, international experts, academicians at journalists gayundin ni Russian President Vladimir Putin.

Hindi naman pina­ngalanan ni Pangulong Duterte ang dalawang heneral o kung ito ay mula sa pulis o militar.

Ginawa ng Pangulo ang pagbubunyag sa gitna ng pagkakasangkot ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013 na iniimbestigahan ngayon ng Senado.

“And I said, ‘Well, I told you do not destroy my country because it is being flooded with drugs,” sabi ng Pangulo.

Iginiit ng Pangulo sa forum na hindi lamang drug traffickers ang kanyang kalaban sa drug war kundi maging ang mga government officials na sangkot sa illegal drug trade.

“I’m not only fighting corruption from the inside of government. I was fighting…corruption and the trafficking of drugs even in my govern­ment. And that is why I had to do something very fast,” sabi niya.

Binigyang-diin pa ni Pangulong Duterte na inilunsad niya ang drug war simula ng maging Pangulo noong 2016 upang protektahan ang mamamayan.

vuukle comment

DUTRTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with