^

Bansa

Diumano'y 'Manila drug queen' ipinaaaresto sa Interpol

James Relativo - Philstar.com
Diumano'y 'Manila drug queen' ipinaaaresto sa Interpol
Ayon sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno, napag-alaman daw kasi nilang may tatlong warrants of arrest na ang diumano'y "drug queen."
File

MANILA, Philippines — Nanawagan si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa International Criminal Police Organization na arestuhin na ang dating baranggay chairwoman na si Guia Gomez-Castro, na una nang iniuugnay sa kalakalan ng iligal na droga.

Ang Interpol ay isang inter-governmental organization na nakikipagtulungan sa kanilang 194 members states sa gawaing pagpupulis at crime control.

Si Castro, na natanggal na chairwoman ng Baranggay 484 Zone 48 sa Maynila, ay lumipad patungong Bangkok, Thailand ayon sa Bureau of Immigration.

Ayon sa tanggapan ni Domagoso, napag-alaman daw kasi nilang may tatlong warrants of arrest na si Castro.

Taong 2002 nang naglabas ng warrant ang Quezon City Regional Trial Court Branch 224 dahil sa paglabag diumano sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.

Nag-isyu naman ng ikalawang warrant ang QC Metropolitan Trial Court Branch 42 ng warrant laban sa kanya dahil sa paglabag daw sa Bouncing Checks Law.

Ang parehong MeTC ay muling naglabas ng warrant laban kay Castro noong 2011.
 
Matatandaang pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Capital Region Police Office si Castro bilang nasa likod ng pagre-recycle ng nakukumpiskang droga ng mga binansagang "ninja cops."

Miyerkules nang manawagan si Domagoso kay Castro na lumitaw na sa publiko upang linisin ang kanyang pangalan.

"[H]inihikayat ko kayo na kayo po ay lumutang at ipaliwanag ang inyong sarili sa mga bagay na nabanggit laban sa inyo," sabi ng alkalde ng Maynila.

Naniniwala ang PDEA na bilyong piso na ang kanyang kinita mula nang simulan niya ang kanyang illegal drug operations noong 2001.

Sa ulat ng ANC, nanindigan si Castro na inosente siya mula sa mga paratang.

"Ipinagpapaubaya ko na po sa Diyos ang kahihinatnan ko. Alam Niya ang katotohanan," sabi niya sa Inggles.

'Kanselahin ang passport'

Samantala, iminungkahi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs na agarang kanselahin ang pasaporte ni Castro.

Sa ilalim daw kasi ng Republic Act 8239 o Philippine Passport Act, may kapangyarihan ang DFA na magkansela ng pasaporte "sa ngalan ng pambansang seguridad" o kapag ang may hawak ay pugante mula sa batas. 

"Lumalabas na walang planong bumalik ng bansa si Gng. Castro upang harapin ang mga warrants of arrest na inilabas mula 2002," sabi ni Drilon sa isang pahayag.

Ang mga fugitive, ayon sa dating kalihim ng Department of Justice, ay isang taong gumawa ng krimen, tumakas mula sa saklaw ng korte at natagpuan sa ibang teritoryo.

Batay sa nasabing jurisprudence, hindi naman daw kinakailangan na convicted ang isang tao para ituring na pugante. 

"Sa makatuwid, pwedeng ikansela ng DFA ang passport para malimitahan ang pagkilos ni Castro... at mapabalik ng bansa para harapin ang mga kaso niya," dagdag ng senador.

'Kasapakat' ni Castro timbog

Nitong Sabado, naaresto naman sa Sampaloc, Maynila si Marlon dela Cruz, na tinutukoy bilang kakuntyaba diumano ni Castro.

Nahuli siya ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Sampaloc Poloice Station.

Nalambat si Dela Cruz sa isinagawang buy-bust operation sa Algeciras St., Barangay 484, Zone 43.

Nasabat sa kanya ang walong sachet na may pinaghihinalaang shabu, na nagkakahalaga ng P30,000.

Nakuha rin sa kanya ang P500 ginamit bilang pampain sa kanya.

Haharap siya sa Section 56 at Section 11 ng Article II ng RA 9165.

vuukle comment

GUIA GOMEZ-CASTRO

INTERPOL

ISKO MORENO

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with