^

Bansa

Hinaing ng publiko nais marinig ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Bong Go na marinig ng personal ang hinaing at reklamo ng publiko para maaksiyunan agad ng gobyerno.

Ayon kay Sen. Go, kaya lagi siyang pumupunta sa mga nasusunugan at iba pang kalamidad ay para mabilis na maaksyunan ng pamahalaan ang mga suliranin at pangangailangan ng mga biktima.

“Ako po ang boses ninyo sa Senado at linya ninyo sa Pangulong Rodrigo Duterte para madaling maipaabot sa mga kasama ko at sa Presidente ang sitwasyon ninyo” ayon kay Go.

Sinabi pa ng senador mula sa Davao City, hindi siya magsasawang libutin ang buong Pilipinas para damayan, puntahan at tulungan ang mga biktima ng sunog at kalamidad upang maramdaman na nariyan parati ang kalinga ng pamahalaan.

Bago pa man maging Pangulo si President Digong ay ugali na nila ni Sen. Go na puntahan at bigyan ng ayuda ang mga kababayan na nasalanta ng ano mang kalamidad sa Davao City.

Kaya naman nang mapunta sa Malakanyang bilang Special Assistant to the President ay dala pa rin ni Go ang kaugalian na puntahan at damayan ang mga nasusunugan at iba pang kalamidad, maging ang mga namatayan.

 

vuukle comment

SEN. GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with