^

Bansa

Sen. Go sa PhilHealth ‘Ibalik, tiwala ng bayan’

Pilipino Star Ngayon
Sen. Go sa PhilHealth �Ibalik, tiwala ng bayan�
Hinamon ng senador ang bagong liderato ng ahensiya na huwag nang hayaang makalusot pa ang mga ghost claim at huwag masayang ang pera ng gobyerno para sa taongbayan.
File

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ayusin ang kanilang trabaho at pagseserbisyo upang muli silang pagkatiwalaan ng taongbayan.

Hinamon ng senador ang bagong liderato ng ahensiya na huwag nang hayaang makalusot pa ang mga ghost claim at huwag masayang ang pera ng gobyerno para sa taongbayan.

“Hindi na dapat magpatuloy ang anomalya sa PhilHealth. Sabi nga ng ating Pangulo, hindi tayo papayag, not even a whiff of corruption. Dapat managot ang dapat managot,” aniya.

Sinabi ni Sen. Go na magpapatuloy ang joint inquiry ng Senate blue ribbon at health committees hinggil sa korupsyon at umano’y pagkilos ng “mafia” sa nasabing ahensiya.

“Gusto ko marinig kung papaano nakalusot ang mga fraudulent claims, ghost payments at upcasing sa ahensya. Mayroong kutsabahan diyan between officials at mga hospital. ‘Yan ang gusto kong mari­nig sa PhilHealth,” dagdag ng senador. “Wala akong pakialam, masagasaan na ang masagasaan,” ang mariing pahayag ng senador.

Aminado si Go na ikinainis niya ang pagtuturuan ng mga opisyal na dumalo sa Senate hearing dahil halata ang kutsabahan sa pagitan ng mga PhilHealth at mga service providers kaya dapat managot ang mga dapat managot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with